Tagalog Funny Quotes 12

Sana ma-Google ko ang mga bagay na nakalimutan ko
kung saan ko nailagay.

Hinay hinay lang sa paglandi.
Hindi ka mauubusan nyan.


Hindi lahat ng gwapo masarap titigan.
Yung iba masarap tadyakan dahil sa kayabangan.


Tagalog Funny Quotes 12

Bawasan ang KAARTEHAN kung di naman sagad ang KAGANDAHAN.
Madaling sabihin na MAGANDA ka,
mahirap naman hanapin kung saan BANDA.


Ang tunay na estudyante…
Palihim na nagtetext habang nakikinig sa teacher.
Maagang pumapasok para mangopya ng assignment.
Nahuhuling umuwi para makasabay/makita si crush.


Mga bagay na mahirap sabihin ng deritso kaya iniiba nalang:
Nevermind.  - Ang slow mo.
Basta. -  Tinatamad akong magexplain.
Papunta nako. - Nagbibihis palang.
Ang lamig no? - Yakapin mo naman ako.
Kumusta ka na? - Miss na kita.
Still there. - Tagal mo mag-reply.
Joke lang. - Totoo yun, kahit papaano.
Artistahin ka. - In your dreams 
Ayos lang ako. - Lambingin mo ako!
May problema ba? - Nandito lang ako.
Nasaan ka? - Gusto kitang puntahan.
Ingat ka palagi. - Mahalaga ka sa akin.
Ahh, Ok. - Ayoko ng ginagawa mo.
Ah talaga? - Hindi ako interesado sa kwento mo.
Sige lang. - Kahit ayoko, wala naman akong magagawa.
Bagay kayo. - Mas bagay tayo.
Susunod ako.. - Manigas ka jan.
Hiyang hiya naman ako sayo! - Ang kapal ng mukha mo!
Try ko. - Asa ka.



Behind every successful man
is his woman.
Behind the fall of a successful man
is usually another woman.



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Popular Quotes

Recommended Quotes