Pinoy Jokes 6

Pedro: Pare, bilhin ko na kambing mo, 700.
Juan: Ang barat mo naman.
Pedro: Sige, 800.
Juan: Ayoko parin.
Pedro: Kalahating libo.
Juan: Sige


Juan: Tekla, tingnan mo may patay na ibon oh...
Tekla: (Tumingala) Saan?


Juan: Pare, dati MAYABANG ako, pero ngayon HUMBLE na ako.
Pedro: Wow, talaga? Kailan mo pa nabago yan?
Juan: Simula nung naging PERFECT ako.


Boyfriend: (nakitang may malunggy sa ngipin ng Girlfriend)
Boyfriend: Alam ko ulam niyo kanina.
Girlfriend: Ano?
Boyfriend: Malunggay!
Girlfriend: Bwahahahaha mali! Kagabi pa kaya yun.


Guro: Ang tawag sa maliit na hipon ay hibi.
Juan: Maam, bakit po hibi eh magaan lang naman yun?


Juan: Miss, pabili ng ballpen.
Sales Lady: Sorry sir, wala po kaming ballpen.
Juan: Ano ba naman kayo? PENSHOPPE walang ballpen!


Lolo: (70 years old na, hihilinh sa genie) Gawin mong 30 years younger sa akin ang misis ko.
Genie: Masusunod! (POOOFFF!)
Lolo: Ano nangyari?
Genie: Ginawa kitang 100 years old.



Yaya buys food at McDo...
Crew: Dito niyo na po ba kakainin?
Yaya: Pwede sa table?


Juan: Tay, meron pong boy sa iskul na lagi akong tinatawag na bading.
Tatay: Nakakalalaki na yan, inupakan mo sana.
Juan: Wag po tay, cute po eh!


Juan: Sori po, di ako makakabayad ng upa this month.
Landlord: Ano? Yan din ang sinabi mo last month!

Juan: Ako po kasi ay taong may isang salita.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...